Team ng DPWH ipinadala sa Mindanao matapos ang malakas na lindol

Sam Joel Nang via INQUIRER.net
Pinakilos ni Public Works and Highways Secretary Mark A. Villar ang regional offices sa Mindanao upang alamin ang lawak ng pinsala ng magnitude 6.3 na lindol na tumama sa Tulunan, North Cotabato at nakaapekto rin sa mga kalapit na lalawigan.

Inatasan ng kalihim ang mga tauhan ng DPWH na magpakalat ng team na magsasagawa ng assessment sa mga gusali at imprastraktura na napinsala ng pagyanig.

Partikular na pinatutukan ni Villar ang Davao, Davao Del Sur, South Cotabato, North Cotabato, Agusan Del Sur, Bukidnon, Saranggani, Sultan Kudarat at Zamboanga.

Sa ulat ng Phivolcs, tectonic ang origin ng lindol alas 7:37 ng gabi ng Miyerkules.

Apat na ang nailuat na nasawi sa pagyanig at marami ang nasugatan.

Read more...