Water level ng Angat dam muling nabawasan

Muling nabawasan ang water level ng Angat dam at iba pang dam sa Luzon.

Ayon sa PAGASA Hydro-meteoroligical division, ang water level ng Angat dam ay nasa 187.49 meters 6:00 ng umaga ng Huwebes (October 17) mas mababa sa 187.53 meters na antas nito kahapon.

Bahagya ring nabawasan ang water level ng La Mesa dam na nasa 77.83 meters ala-6 ng umaga mas mababa sa 77.87 meters na antas nito kahapon.

Nabawasan din ang water level ng Ipo, Ambuklao, Magat at Caliraya dams.

Samantala, nadagdagan naman ang water level ng Binga, San Roque at Pantabangan dams.

Read more...