Gretchen Barretto reunited sa pamilya sa burol ng ama

Matapos ang ilang taong hindi pagkakaunawaan, reunited si Gretchen Barretto sa kaniyang pamilya.

Miyerkules ng gabi nang dumating si Gretchen sa burol ng amang si Miguel Barretto.

Makikita sa video na ibinahagi ni Claudine Barretto na pagyakap ni Gretchen sa inang si Estrella.

Ayon kay Claudine, masaya syang nakumpleto ang kanilang pamilya. Sinabi din nitong proud siya sa kaniyang ate Gretchen at mas lalo pa niya itong hinangaan.

Si Gretchen at kaniyang pamilya ay hindi maganda ang relasyon mula taong 2013.

Noong Pebrero nang unang magkabati sina Claudine at Gretchen.

Read more...