Pangulong Duterte dumalaw sa burol ni Miguel Barretto

Bumisita si Pangulong Rodrigo Duterte sa burol ng ama ng magkakapatid na Barretto na si Miguel Barretto.

Sa kaniyang Instagram ay ibinahagi ni Claudine Barretto ang maikling video kung saan makikita ang pangulo na nakikiramay sa kanila.

Kasama ng pangulo sina Senator Bong Go at si Presidential Spokesperson Salvador Panelo.

Sa kaniyang caption ay nagpasalamat naman si Claudine sa pagbisita ng pangulo.

Ang padre de pamilya ng Barretto family ay pumanaw noong Martes sa edad na 82.

Read more...