Magnitude 5.2 na lindol naitala sa Manay, Davao Oriental

Matapos ang magnitude 6.3 na lindol sa North Cotabato kagabi, isa na namang malakas na pagyanig ang tumama sa Mindanao.

Alas 4:53 ng umaga ngayong Huwebes, Oct. 17 naitala ang magnitude 5.2 na lindol sa Manay, Davao Oriental.

Ang epicenter nito ay sa 17 kilometers north east sa bayan ng Manay na may lalim na 108 kilometers ang pagyanig at tectonic ang origin.

Ayon sa Phivolcs naitala ang Intensity I sa General Santos City.

Naitala din ang Instrumental Intensities sa sumusunod na lugar:

Intensity III – Alabel, Sarangani
Intensity II – Tupi, South Cotabato; General Santos City
Intensity I – Kiamba, Sarangani

Sinabi ng Phivolcs na ang naturang lindol sa Manay, Davao Oriental ay panibagong pagyanig at hindi aftershock ng malakas na lindol sa North Cotabato.

Dahil may kalaliman ay hindi naman inaasahang magdudulot ito ng pinsala. (END.DD)

Read more...