Dinukot na guro sa Sulu nailigtas na

Isang public school teacher na dinukot noong September 27 ang nailigtas ng militar araw ng Miyerkules.

Ayon kay Western Mindanao Command spokesperson Maj. Arvin Encinas, pinakawalan na ng mga dumukot ang guro na si Rose Singua, 58 anyos.

Na-rescue si Singua ng mga tropa ng gobyerno sa isang hotel room sa Jolo, Sulu.

Nagbayad ang kapatid na babae ng biktima ng P200,000 bilang bahagi ng entrapment operation ng militar at pulis.

Si Singua na nakatira sa Zamboanga City ay papunta sana sa isang kasal sa Dipolog noong September 27 nang dukutin siya at dalhin sa Jolo.

Read more...