ALAMIN: Official entries sa Metro Manila Film Festival 2019

MMFF

Kumpleto na ang listahan ng official entries para sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2019.

Miyerkules ng hapon nang ianunsyo ng MMFF Selection Committee sa pangunguna ni Metro Manila Development Authority chairperson Danilo Lim ang karagdagang apat na pelikula na kumumpleto sa lineup.

Narito ang walong official entries para sa MMFF:

SCREENPLAY SUBMISSIONS
1. Miracle in Cell #7 (Viva Communications, Inc.)
2. Mission Unstapabol: The Don Identity (APT Entertainment, Inc/M-ZET Production)
3. Sunod (TEN17P)
4. The Mall, The Merrier (ABS-CBN Film Productions, Inc./Viva Films)

FINISHED FILM SUBMISSIONS
1. Mindanao (Center Stage Productions)
2. Write About Love (TBA Studios)
3. 3pol Trobol Huli Ka Balbon (CCM Film Productions)
4. Culion (iOptions Ventures Corp.)

Ang MMFF ay isang annual film festival na nagsimula noong 1975 kung saan walang foreign movie ang ipinalalabas sa mga sinehan sa Metro Manila hanggang napalawig na sa buong bansa.

Layon nitong maitaguyod ang pagtangkilik sa Philippine films.

Tumatakbo ito sa loob ng dalawang linggo mula December 25.

Noong nakaraang taon, umabot sa P1.06 bilyon ang kinita ng MMFF na pinakamataas sa kasaysayan ng film fest.

Read more...