Ayon kay Kidapawan City Mayor Joseph Evangelista, suspendido ang klase ng lahat ng antas sa pampubliko at pribadong paaralan.
Ito ay para aniya magsagawa muna ng inspeksyon sa gusali ng paaralan sa lugar.
Bubuksan din aniya ang evacuation centers para sa apektadong residente.
Batay sa larawan ng Kidapawan City Facebook page, makikitang nasira ang arko sa lugar.
Nauna nang hinikayat ni North Cotabato Governor Emmylou Talino-Mendoza ang mga local government unit (LGU) na magkansela ng klase para makapagsagawa ng proper assessment sa mga napinsalang ari-arian sa kani-kanilang nasasakupan.