SC, humiling ng suporta mula kay Mayor Moreno para sa 2019 Bar exams

Humiling ng suporta ang Korte Suprema mula kay Manila Mayor Isko Moreno para sa paghahanda sa 2019 Bar examinations.

Sa larawan ng Manila Public Information Office (PIO), nakipagpulong si Associate Justice Estela Perlas-Bernabe kay Moreno para talakayin ang gagawing paghahanda sa seguridad sa eksaminasyon.

Ayon sa Manila PIO, sumang-ayon ang alkalde sa mga nais ihanda para sa nalalapit na Bar exams.

Ilan sa mga binanggit ni Bernabe ang karagdagang ambulansya at seguridad, pagpapatupad ng liquor ban at dagdag na first responders sa University of Santo Tomas (UST).

Magsisilbing first responders ang ilang tauhan mula sa Manila Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO).

Isasagawa ang Bar exams sa apat na Linggo ng buwan ng Nobyembre.

Read more...