Walang banta ng tsunami matapos ang magnitude 6.3 na lindol – Phivolcs

Phivolcs photo

Walang banta ng tsunami matapos tumama ang magnitude 6.3 na lindol sa North Cotabato.

Sa isang panayam, sinabi ni Phivolcs director Renato Solidum na walang banta ng tsunami sa anumang bahagi ng Mindanao.

Tectonic aniya ang origin ng lindol dahilan kaya walang mararanasang tsunami sa lugar.

Gayunman, inaasahan pa rin aniya ang aftershocks matapos ang malakas na pagyanig.

Ang yumanig na lindol ay nasa “moderately strong” category.

Read more...