Ito ay sa kabila ng inilabas na kautusan ng Department of Interior and Local Government (DILG) na bawiin na ang ban.
Sa isang panayam, sinabi ni Cebu Governor Gwendolyn Garcia na hindi maaaring hayaang makapasok ang pork products sa naturang probinsya kasunod ng patuloy na pagkalat ng African Swine Fever (ASF) sa Luzon.
Nirerespeto aniya niya si DILG Secretary Eduardo Año ngunit responsibilidad niyang protektahan ang probinsya sa anumang banta.
Malaking problema aniya kung maaapektuhan ang P10.9 bilyong halaga ng hog industry sa probinsya.
Nasa 56 probinsya sa Visayas at Mindanao ang nagpatupad ng pagbabawal ng pagpasok ng pork products mula sa Luzon dahil sa naturang sakit sa baboy.