Nakapagtala ng ilang aftershocks matapos tumama ang magnitude 6.3 na lindol sa North Cotabato, Miyerkules ng gabi.
Batay sa earthquake information ng Phivolcs, hindi bababa sa anim na aftershocks ang naitala sa Mindanao hanggang 8:30 ng gabi.
Pinakamalakas na tumamang aftershock ay may lakas na magnitude 3.1 sa bayan ng Makilala bandang 8.27 ng gabi.
Sinabi ng Phivolcs na asahan pa rin ang aftershocks sa iba’t ibang parte ng Mindanao.
MOST READ
LATEST STORIES