La Salle, wagi vs UE sa iskor na 65-69

Nagwagi ang De La Salle University (DLSU) Green Archers kontra sa University of the East (UE) Red Warriors para sa UAAP Season 82 men’s basketball tournament, Miyerkules ng umaga.

Naungusan ng Green Arches ang Red Warriors sa iskor na 69-65.

Malaking tulong sa pagkapanalo ng La Salle ang three-point shot ni Jamie Malonzo sa huling 1:32 ng laro.

Sinundan pa nito ng layup ni Encho Serrano dahilan para makaabante lalo ang koponan.

Nanguna sa laro si Justine Baltazar makaraang makapagtala ng 23 points at 12 rebounds.

Ang La Salle ay mayroon nang 5-5 record kapantay ang Far Eastern University (FEU) at University of Santo Tomas (UST).

Read more...