Kris Aquino, Nicko at Jesus Falcis nagkaareglo na sa kaso


Matapos ang halos isang taong hidwaan, nakipag-areglo na ang aktres na si Kris Aquino sa magkapatid na Nicko at Jesus Falcis.

Sa Instagram, nag-post si Kris ng kaniyang larawan kasama ang inilabas na press statement ng Divina Law ukol sa isinampang kaso ni Kris laban sa magkapatid na Falcis.

Batay sa pahayag ng law firm, nagka-areglo na ang tatlo sa lahat ng financial issue at inayos na rin ang lahat ng ‘personal differences.’

Sinabi naman ng aktres sa caption ng larawan na hahayaan nang iwan ang nasabing kabanata ng kaniyang buhay.

Malaya aniya ang sinuman na talakayin ang kanilang kaso sa nasabing law firm sa halip na sa kaniyang Instagram feed.

Matatandaang nagsampa ng reklamong qualified theft at paglabag sa Access Devises Regulation Act of 1998 si Kris kay Nicko Falcis.

Read more...