Filipino athletes na sina Carlos Yulo at Nesthy Petecio, may courtesy call kay Pangulong Duterte ngayong araw

Haharap mamayang hapon sa Palasyo ng Malakanyang ang dalawang Filipino gold medalists na sina Carlos Yulo at Nesthy Petecio.

Ito ang kinumpirma ni Senador Bong Go.

Nasungkit ni Yulo ang gintong medalya sa 49th Artistic Gymnastics World Championships habang si Petecio naman ang nakakuha ng gold medal sa AIBA Women’s World Boxing Championship.

Hindi naman tinukoy ni Go kung dadagdagan ni Pangulong Rodrigo Duterte ng tig-isang milyong pisong incentive mula sa Philippine Sports Commission (PSC) para sa dalawang atleta.

Pero ayon kay Presidential spokesman Salvador Panelo, generous naman si Pangulong Duterte kung kaya’t hindi imposible na magbigay ng reward ang punong ehekutibo.

Matatandaang nang nanalo si Hidilyn Diaz ng silver medal sa weightlifting competitions sa Rio De Janeiro Olympics ay nagbigay ang pangulo ng 2 milyong pisong incentive dito.

Read more...