5 opisyal ng Metro Cebu Water District sinibak sa pwesto

Sinibak sa pwesto ang limang opisyal ng Metro Cebu Water District (MCWD) dahil sa palpak na serbisyo ng nasabing tanggapan.

Ang desisyon ay ginawa ni Mayor Edgardo Labella dahil sa kabi-kabilang reklamo mula sa mga residente sa hindi magandang serbisyo ng tubig sa kanilang lugar.

Kabilang sa inalis sa pwesto ang si MCWD chairman Joel Mari Yu, tatlong miyembro ng board members na sina Augustus Pe Jr., Ralph Sevilla, Procopio Fernandez at ang board secretary na si Atty. Cecile Adlawan.

Kapangyarihan ang isang local chief executive na alisin o disiplinahin ang sinumang miyembro ng MCWD.

Read more...