Brigadier General Debold Sinas pormal nang nanungkulan bilang bagong hepe ng NCRPO

Pormal nang nanungkulan bilang bagong hepe ng National Capital Region Police Office (NCRPO) si Police Brigadier General Debold Sinas.

Pinalitan ni Sinas ang kanyang mistah sa Philippine Military Academy (PMA) “Hinirang Class of 1987 na si Police Major General Guillermo Eleazar.

Si Eleazar ay itinalaga bilang Chief of Directorial Staff.

Ang change of command ceremony ay ginanap sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City na sinaksihan ni PNP OIC Police Lieutenant General Archie Francisco Gamboa.

Si Sinas ang dating hepe ng Central Visayas police.

Read more...