Lubang, Occidental Mindoro niyanig ng lindol

Niyanig ng magnitude 3.2 na lindol ang lalawigan ng Occidental Mindoro.

Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 8 kilometers Southwest ng bayan ng Lubang, alas-7:49 umaga ng Miyerkules (October 16).

May lalim na 46 kilometers at tectonic ang origin ng pagyanig.

Wala namang naitalang pagkasira sa mga ari-arian, intensities at aftershocks.

Read more...