Water level ng Angat dam at iba pang dam sa Luzon nabawasan

Muling nabawasan ang water level ng Angat dam at iba pang dam sa Luzon.

Ayon sa PAGASA Hydrometeorology division, nabawasan ang water level ng Angat dam na nasa 187.53 meters, ala-sais ng umaga ng Miyerkules (October 16) mas mababa sa 187.92 meters na antas nito kahapon.

Bahagyang nabawasan ang water level ng La Mesa dam na nasa 77.87 meters ala-sais ngayong umaga mas mababa sa 77.90 meters kahapon.

Nabawasan din ang water level ng Ipo, Ambuklao, Binga, Magat at Caliraya dams.

Samantala nadagdagan naman ang water level ng San Roque at Pantabangan dams.

Read more...