Davao Occidental, Masbate at Basilan niyanig ng lindol

Naitala ang magnitude 3.0 na lindol sa 62 kilometers Southeast ng bayan ng Jose Abad Santos sa lalawigan ng Davao Occidental, alas-12:23 ng madaling araw at may lalim na 2 kilometers.

Naitala naman ang magnitude 3.0 na lindol sa 10 kilometers Northeast ng bayan ng Claveria sa lalawigan ng Masbate, ala-1:45 ng madaling araw at may lalim na 4 kilometers.

Samantala, naitala rin ang magnitude 3.3 na lindol sa 74 kilometers Southeast ng bayan ng Tuburan sa lalawigan ng Basilan, alas-2:59 ng madaling araw at may lalim na 3 kilometers.

Ayon sa Phivolcs, tectonic ang origin ng mga pagyanig.

Wala namang naitalang pagkasira sa mga ari-arian, intensities at aftershocks.

 

Read more...