Gymnast Carlos Yulo target ang gold medal sa Olympics

Target ng world gymnastics champion na si Carlos Yulo na makakuha ng gold medal sa 2020 Tokyo Olympics.

Araw ng Martes nagkaroon ng press conference ang Philippine Sports Commission (PSC) para kay Yulo, gold medalist boxer na si Nesthy Petecio at pole-vaulter na si EJ Obiena.

Sa press con, sinabi ni Yulo na may ibubuga pa siya basta’t pagsusumikapan lamang ang training.

Si Yulo ang kauna-unahang Filipino na nanalo ng gold medal sa World Artistic Gymnastics Championships.

Wala pa namang Filipino na nakakakuha ng gintong medalya sa Olympics.

Samantala, araw ng Martes, inanunsyo ng MVP Foundation na magbibigay sila ng P1 milyon na reward para kina Yulo at Petecio.

Bukod pa ito sa P1 milyon na ibibigay ng PSC sa dalawa.

Read more...