Bohol nagdeklara ng state of calamity dahil sa water shortage

Nagdeklara ang pamahalaang panlalawigan ng Bohol ng state of calamity araw ng Martes dahil sa kakulangan ng tubig.

Inaprubahan ng Sangguniang Panlalawigan (SP) ang resolusyon para ilagay ang buong probinsya sa state of calamity matapos ang rekomendasyon ng Provincial Disaster Risk Reduction Management Council (PDRRMC) sa pangunguna ni Gov. Arthur Yap.

Dahil sa matinding init at kakulagan ng tubig, umabot na sa P179 milyon ang pinsala sa agrikultura.

Natutuyo na ang mga dams sa lalawigan para magsuplay ng tubig sa irigasyon at household needs.

Dahil sa deklarasyon ng state of calamity, magagamit na ang quick response fund na aabot sa P200 milyon.

Gagamitin ang pondo para bigyan ng ibang pagkakakitaan ang mga magsasaka at maghanap ng ibang pagkukunan ng tubig.

Samantala, magsasagawa ng cloud seeding operations ngayong buwan ang Bohol provincial government.

Read more...