Magkahiwalay na pagyanig naitala sa Sultan Kudarat at Davao Occidental

Naitala ang magkahiwalay na lindol sa Sultan Kudarat at Davao Occidental.

Ayon sa Phivolcs, alas-11:28 Martes ng gabi, naitala ang magnitude 3.4 na lindol sa layong 94 kilometro Timog-Kanluran ng Palimbang, Sultan Kudarat.

May lalim ang pagyanig na isang kilometro.

Eksakto alas-12:00 naman ng hatinggabi, magnitude 3.3 na lindol ang naitala sa layong 104 kilometro Timog-Silangan ng Jose Abad Santos, Davao Occidental.

May lalim naman itong 36 kilometro.

Tectonic ang dahilan ng mga pagyanig at hindi naman nagdulot ng pinsala sa mga ari-arian.

Wala ring inaasahang aftershocks ayon sa Phivolcs.

Read more...