Batay sa ulat, hanggang Martes ng gabi (October 15), nasa kabuuang 72 na ang bilang ng mga nasawi habang dose-dosena pa rin ang nawawala.
Sinabi naman ni Japanese Prime Minister Shinzo Abe na tuloy pa rin ang search and rescue operations para sa mga nawawalang biktima.
Magkakatuwang sa operasyon ang aabot sa 110,000 pulis, bumbero, sundalo at coast guard.
Nagbabala naman sa mga residente si chief cabinet secretary Yoshihide Suga na manatiling alerto sa posibleng maranasan pang pag-ulan sa lugar.
Samantala, nagpahayag ng pakikiramay si Emperor Naruhito at Empress Masako sa mga residenteng naulila ng ilang mahal sa buhay dahil sa bagyo.
Sa kabila nito, walang plano ang gobyerno na iurong ang petsa ng seremonya at parada sa para sa selebrasyon ng enthronement ni Naruhito sa October 22.