Pinuno ng PNOC-EC, pinagbitiw sa pwesto ni Pangulong Duterte

Kinumpirma ng Palasyo ng Malakanyang na pinagbitiw sa pwesto ni Pangulong Rodrigo Duterte ang presidente at chief executive officer ng Philippine National Oil Company Exploration Corporation (PNOC-EC) na si Atty. Pedro Aquino Jr.

Ayon kay Presidential spokesman Salvador Panelo, pinagsumite ng pangulo sina Aquino at isang miyembro ng Board of PNOC-EC ng resignation letter.

Ani Panelo, ito ay dahil sa kawalan ng kumpiyansa.

Bahagi rin aniya ito ng anti-corruption campaign para maalis ang mga tiwaling opisyal sa administrasyong Duterte.

Read more...