Sa inilabas na pahayag, sinabi ng Maynilad na ito ay bunsod ng patuloy na pagbaba ng antas ng tubig sa Angat at Ipo Dam.
Kapos anila ang raw water supply na pumapasok sa Ipo Dam at treatment facilities ng Maynilad dahil nananatili pa rin sa 40 cubic meters per second ang alokasyon ng tubig mula sa Angat Dam.
Ang normal na alokasyon dapat ng tubig mula sa Angat Dam ay nasa 48 cubic meters per second.
Ayon sa Maynilad, ipatutupad ang daily rotational water service interruption kapag hindi pa rin umulan nang sapat sa watersched at maubos ang ipon na tubig sa mga reservoir.
Maaari anilang bisitahin ang kanilang Facebook page at Twitter account para sa kumpletong listahan ng schedule ng water interruption.