DTI may bagong panuntunan sa pagbebenta ng hoverboards

hoverboardDahil sa mga insidente ng pagkasunog, at pagkahulog ng mga gumagamit ng hoverboards, mas hihigpitan ng Department of Trade and Industry (DTI) ang guidelines sa pagbebenta nito.

Maglalabas ng advisory ang DTI para higit na ipaunawa sa publiko na ang hoverboards ay hindi laruan.

Sa ilalim kasi ng International Standards Organization (ISO) 8124 ang highest voltage ng isang battery-operated toy ay hanggang 24 volts lamang.

Ang hoverboard ay kinakailangan ng 36 volts na baterya para gumana.

Sa ilalabas na guidelines, oobligahin ang mga traders at importers na maglagay ng babala sa mga packages ng hoverboards para ipabatid sa mga bibili nito na ito ay hindi dapat pinagagamit sa mga bata.

Ayon kay Trade Undersecretary Vic Dimagiba, ang hoverboards ay para lamang sa mga edad 14 pataas dahil ang mga may mas mababang edad ay hindi pa ito kakayaning ibalanse.

Ang mga traders at importers ng hoverboards ay oobligahin na ilagay ang mga sumusunod na warnings sa labels at packaging:

• “This is not a toy.”
• “Adult supervision is required.”
• “Recommended for use by those 14 year of age and above.”
• “This product is intended for indoor use.”
• “Use extreme caution when charging batteries.”

Sa ibang mga bansa, marami nang insidente ng pagkasunog ng hoverboards habang nakasaksak at kinakargahan ang baterya.

Sa Australia, isang bahay ang nasunog dahil sa lumiyab na hoverboard habang naka-charge.

Read more...