Nadagdagan pa ang bilang ng mga naserbisyuhan ng bus augmentation project para sa mga pasahero ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3).
Sa tala ng Department of Transportation (DOTr) hanggang Martes, October 15, umabot na sa kabuuang 1,095,211 na pasahero ang naisakay ng 15,767 na bus.
Samantala, umabot na sa 17,014 na biyahe ang nagawa ng mga bus sa proyekto.
Nagsisimula ang serbisyo ng proyekto mula Lunes hanggang Biyernes, mula 6:00 ng umaga hanggang 9:30 ng umaga sa MRT-3 North Avenue station patungong Ortigas at Ayala Stations.
Katuwang ng DOTr sa proyekto ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), Land Transportation Office (LTO), Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), Philippine National Police-Highway Patrol Group (PNP-HPG at Inter-Agency Council for Traffic (I-ACT) Alpha at Bravo teams.