Neymar, hindi makakapaglaro ng apat na linggo

Hindi makakapaglaro ang Paris Saint-Germain forward player na si Neymar sa susunod na apat na linggo.

Ayon sa koponan, ito ay dahil nagkaroon ng hamstring injury ang manlalaro.

Lumabas anila sa MRI scan na nagtamo ng “grade two lesion” sa kaliwang hamstring si Neymar.

Dahil dito, hindi makakapaglaro ang manlalaro sa apat na French league matches, kasama ang biyahe sa Marsielle sa October 27.

Kailangang magpagaling ng manlalaro hanggang November 11.

Read more...