Speaker Cayetano, Majority Leader Romualdez highest attendance sa unang 2 buwan ng 18th Congress

Nanguna sina House Speaker Alan Peter Cayetano at Majority leader Martin Romualdez sa nakakuha ng 82 porsiyentong attendance sa unang dalawang buwan ng pagbubukas ng 18th Congress.

Sina Cayetano at Romualdez ay present sa sesyon sa plenaryo ng Kamara sa unang dalawang buwan ng pagsisimula ng sesyon ng Kongreso noong Hulyo 22 hanggang Setyembre 23.

Setyembre 23 naman ang huling araw ng journal na inilagay sa website ng House of Representatives kung saan 234 na kongresista ang dumalo sa sesyon.

Base pa sa record, ang huling sesyon na dinaluhan ng mga kongresista ay noong Oktubre 2, subalit ang huling sesyon matapos ang Setyembre 23 ay wala pa sa website ng Mababang Kapulungan.

Nakasaad pa sa journals of proceedings, lumalabas na ang average ng 246 ng 300 na mga kongresista ang dumalo sa 20 session days nang si Cayetano o ang presiding officer ang mag roll call.

Noong Hulyo 22 o eleksyon ng Speaker sa Kamara nakapagtala ng 297 kongresista ang dumalo sa sesyon na pinakamataas na bilang na miyembro na dumalo.

Nabatid na tatlo lamang sa miyembro ng Mababang Kapulungan ang nag-absent sa unang araw ng sesyon noong Hulyo 22 at ito ay sina Sultan Kudarat Rep. Bai Sakaluran, Diwa Rep. Michael Aglipat at dating Marino Rep. Jose Antonio Lopez.

Habang noong Hulyo 23, ikalawang araw ng sesyon ay nakapagtala ng ikalawang pinakamataas na attendance ang Kamara na umabot sa 268, sumunod 266 noong Agosto 13, 259 noong Agosto 27 at 257 noong Hulyo 31.

Base naman sa datos, ang pinakamababang attenandance na naitala ay noong Agosto 20 na 185 na araw ng Martes dahil napagitnaan ito ng mga holiday.

Read more...