5 bangkay, natagpuan sa isang bangin sa Benguet

Natagpuang naaagnas ang limang bangkay sa isang bangin sa Tuba, Benguet.

Ayon sa mga otoridad, nakita ng ilang residente sa Taloy Sur ang mga bangkay dahil sa masangsang na amoy mula sa bangin sa Marcos Highway.

Posible anilang dalawang linggo nang naiwan ang mga bangkay sa lugar.

Ayon naman kay Tuba police chief Major James Acod, ilang indibidwal ang nag-ulat sa mga nawawalang kamag-anak sa probinsya ng Ifugao.

Patuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya sa mga biktima.

Read more...