Kasabay ng unang araw ng kampanya kontra polio, umabot sa mahigit pitong libong kabataan sa Metro Manila at Mindanao ang nabigyan ng bakuna ng Department of Health.
Sa tala ng Philippine Red Cross(PRC), hanggang kaninang alas tres ng hapon, nasa kabuuang 7,281 na bata ang naturukan ng bakuna sa door-to-door vaccination drive ng DOH.
Pinakamaraming nabakunahan sa bahagi ng Pasay City na may 1,523 na bata.
Kasunod nito ang Davao City na may nabakunahang mga bata na aabot sa 1,458.
Ayon sa PRC, nasa limang daang volunteers mula sa kanilang hanay ang nakiisa sa “Sabayang patak kontra polio” campaign para sa mga batang edad lima pababa.
Sinabi ni PRC chairman Sen. Richard Gordon na patuloy na tutulong ang kanilanf grupo para labanan ang nasabing sakit.