MRT-3 balik na sa normal na operasyon

Inquirer file photo

Nagbalik na sa normal ang operasyon ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3), Lunes ng hapon.

Ito ay makaraang magpatupad ng provisionary service matapos tumalon ang isang palaboy sa riles ng tren sa pagitan ng Buendia at Ayala stations.

Nilimitahan ang serbisyo mula North station hangang Shaw station lamang.

Tumagal ng dalawang oras ang pagkaantala ng operasyon ng tren.

Ganap na bumalik sa normal ang operasyon bandang 2:45 ng hapon.

Sa ngayon, patuloy na inaalam ng Makati police ang detalye sa biktimang si Mas Sandamon, bente-uno anyos na mula sa Marang, Sumisip sa Basilan.

Read more...