Bagong sama ng panahon magpapaulan sa Visayas at Southern Luzon

File photo

Nasa loob na ng Philippine Area of Responsilibity (PAR) ang isang shallow low pressure area (LPA).

Ayon sa PAGASA, huling namataan ang sama ng panahon sa layong 970 kilometers Silangang bahagi ng Legazpi City, Albay.

Mababa naman ang tsansa na lumakas pa ito at maging ganap na bagyo.

Gayunman, nagbabala pa rin ang weather bureau sa posible nitong idulot na pag-ulan sa ilang bahagi ng Visayas at Southern Luzon.

Samantala, iiral naman ang Intertropical Convergence Zone (ITCZ) sa ilang parte ng Mindanao region.

Read more...