Laman ng nasabing report ang revision ng mga balota mula sa tatlong probinsya na pinaniniwalaang nagkaroon umano ng dayaan.
Kabilang dito ang probinsya ng Camarines Sur, Negros Occidental at Iloilo.
Hiniling ang magkakaroon ng kopya ng report kasunod ng mga lumabas na ulat na nakapag-desisyon umano ang Presidential Electoral Tribunal (PET) na ipagpaliban muna ang initial determination test sa tatlong nabanggit na probinsya at ituloy ang recount sa dalawampu’t dalawang probinsya.
Nagbigay naman ng dissenting opinion sina Associate Justices Antonio Carpio at Alfredo Benjamin Caguioa.
Sinabi ni SC spokesman Brian Hosaka na mayroong 20-days ang magkabilang panig para maglabas ng opinion sa inilabas na desisyon ng Mataas na Hukuman.