Isang palaboy tumalon sa riles ng MRT-3 patay

Isang taong grasa ang umakyat sa pader ng MRT saka nahulog sa riles sa may bahagi ng interstation ng tracks sa pagitan ng Buendia at Ayala.

Nangyari ang insidente kaninang tanghali, na agad naman dumating sa lugar ang MRT-3 personnel, medical personnel, at police authorities.

Pero agad naman na nasawi ang palaboy, inaalam naman kung nabundol ng tren ang palaboy o namatay ito sa pagkakabagsak sa riles.

Naantala ang byahe ng MRT ngunit agad din namang naibalik sa normal ang operasyon nito dakong 2:47 ng hapon araw ng Martes.

Read more...