Grab tumulong na din sa mga pasahero ng LRT-2

Credit: DOTr photo

Inilunsad ngayong araw ng Martes, Oct. 15 ang “Grab Tawid” na madaragdag ng opsyon sa mga apektadong pasahero ng LRT-2.

Ayon kay Grab Philippines President Brian Cua, habang suspendido pa ang operasyon ng tatlong istasyon ng LRT-2 ay may mga Grab vehicles na magsasakay sa mga pasahero.

Sa ilalim ng Grab Tawid, mayroong 40 6-seater vehicles ang magsasakay ng pasahero mula SM Masinag patungong Araneta Center Cubao sa halagang P20 bawat pasahero.

Nagsimula na ito mula alas 6:00 ng umaga hanggang alas 8:00 ng umaga kanina.

Read more...