Tinipon ni Department of Energy (DOE) Secretary Alfonso Cusi ang mga kawani ng kanilang Luzon Field Office (LFO) upang bigyan ng update sa nagpapatuloy na mga programa sa kanilang ahensya.
Ang tinutukoy ni Cusi ay ang batas na Ease of Doing Business Act na mahigpit rin ipinatutupad ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Kaya naman muli niyang inulit sa mga kawani ng DOE-LFO na agad na tugunan ang mga pangangailangan ng mga tao na dumudulog sa kanilang ahensya.
Pahayag niya na ang mga field office ng DOE ang pangunahing target sa pagpapatupad ng DOE’s program upang matiyak na magkakaroon ng access ang lahat ng Filipino sa Kuryente.
Kasama ng kalihim para sa nasabing aktibidad na ginawa kahapon (Oct. 14) sina DOE Undersecretary Donato Marcos at DOE Assistant Secretary Gerardo Erguiza Jr.