10 timbog dahil sa iligal na droga sa Maynila

Arestado ang sampu katao sa magkakahiwalay na operasyon kontra iligal na droga sa Maynila.

Unang naaresto si Manny Bautista, empleyado ng Manila Tricycle Regulatory Office matapos maaktuhang bumibili ng shabu sa Brgy. 464 sa Sampaloc.

Ang baranggay chairman pa mismo ang nakakita sa pagbili ng droga ng suspek kaya’t agad na isinumbong sa pulis.

Sa isa namang operasyon, timbog din ang kagawad ng Brgy. 438 na si Marius Alquiros matapos magbenta ng shabu sa police poseur buyer.

Nakuhaan pa ng video ang transaksyon.

Walo naman ang naaresto sa Brgy. 429 matapos makatanggap ang pulisya ng sumbong ukol sa bentahan ng iligal na droga sa isang bahay.

Timbog ang target ng operasyon na magkapatid at ang kanilang mga parokyano.

Ayon kay Lacson PCP commander Pol. Captain Edwin Fuggan, nasa drugs watchlist ang magkapatid na natoryus na sa pagbebenta ng droga.

Mahaharap ang mga naaresto sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Read more...