Sa abiso ng Shell, Total, Petron, PTT Philippines, Phoenix Petroleum, Cleanfuel, Flying V at Seaoil, P0.25 ang dagdag sa presyo ng kada litro ng gasolina habang may P.10 namang tapyas sa presyo ng kada litro ng diesel.
Ang Petron, Shell, Flying V at Seaoil ay may bawas ding P0.40 sa presyo ng kada litro ng kerosene o gaas.
Epektibo na ang oil price adjustments ng Cleanfuel simula kaninang alas-12:01 ng hatinggabi na susundan ng lahat ng kumpanya mamayang alas-6:00 ng umaga.
Ayon sa oil industry sources, ang taas-presyo sa gasolina ay bunsod ng kumaunting suplay bunga ng maintenance shutdown ng ilang oil refinery sa Asya.
MOST READ
LATEST STORIES