Epektibo kaninang 12:01 ng madaling araw ay nagpatupad ng rollback sa presyo ng diesel, kerosene at gasolina ang ilang kumpanya ng langis sa bansa.
Naunang inanunsyo ng Petron ang kanilang kaltas-presyo na 70-centavos sa diesel, 70-centavos sa kerosene o gaas at 15-centavos naman para sa gasolina.
Sinabi ng Eastern Petroleum na kasado na rin ang kanilang rollback na 70-centavos sa Diesel, 70-centavos sa Kerosene at 20-centavos sa gasolina.
Kahalintulad din na presyo ang ibabawas ng Pilipinas Shell, Seaoil, Caltex at Phoenix Petroleum sa kanilang ibinebentang diesel, kerosene at gasolina.
Sinabi ng ilang insider sa oil industry na posibleng masundan pa ang nasabing rollback sa weekend dahil sa stable pa rin ang bentahan ng oil products sa world market.
Pero nagbabala naman ang Department of Energy na makaka-apekto ng malaki sa presyo ng petroleum products sakaling mas uminit pa ang tensyon sa pagitan ng Saudi Arabia at Iran.