Isang magnitude 6.4 na lindol ang tumama sa karagatang sakop ng Sarangani, Davao Occidental kaninang madaling-araw.
Ayon sa Phivolcs, naitala ang episentro ng lindol sa layong 313 km silangang bahagi ng Sarangani dakong alas 12:38 ng umaga.
Wala namang naging epekto ang lindol sa lupa.
Naitala ang intensity 1 sa Alabel, Sarangani province.
Hindi rin nagpalabas ng tsunami warning ang Phivolcs na maiuugnay sa naturang lindol.
Unang naitala sa magnitude 6.9 ang lindol na tectonic ang pinagmulan ngunit ibinaba ito ng ahensya sa magnitude 6.4 makalipas ang isang oras.
MOST READ
LATEST STORIES