Sa media briefing araw ng Lunes, sinabi ni LRTA spokesperson Hernando Cabrera na gusto nilang maibalik sa normal ang operasyon ng tren para sa Kapaskuhan.
Gayunman, nakadepende pa rin umano ito sa resulta ng ginagawang paghimay sa nasirang parte ng rectifiers na nasunog.
“By Christmas ‘yun ang objective natin. That is, depende sa magiging resulta ng paghihimay sa nasirang parts,” ani Cabrera.
Sa ngayon ayon kay Cabrera, tinitingnan na ng engineers ng LRT-2 ang pinakamabilis na paraan pa sa replacement ng rectifier.
Nauna nang sinabi ng LRTA na posibleng abutin ng anim hanggang siyam na buwan ang pagbabalik sa normal operasyon ng LRT-2.
Sa ngayon, partial operations lamang ang ipinatutupad o mula Recto hanggang Cubao at pabalik.