Tatay ni Michael V. pumanaw na

Pumanaw na si Cesar Felix Bunagan, ang ama ng comedian at ‘Bubble Gang’ star na si Michael V.

Sa isang Instagram post araw ng Lunes, ibinahagi ni Michael V. ang isang larawan ng dalawang kamay na magkahawak.

May caption ang naturang larawan ng panalangin para sa yumao.

Hindi naman sinabi sa post kung ano ang sanhi ng pagkamatay ng kanyang ama.

Bumuhos ang mensahe ng pakikiramay mula sa mga kaibigan sa showbiz at taga-suporta ng komendyante.

Nauna nang ipinanawagan ni Michael V. noong October 5 ang dasal para sa paggaling ng kanyang ama.

Read more...