Magnitude 3.4 na lindol, yumanig sa Davao Oriental

Phivolcs photo

Tumama ang magnitude 3.4 na lindol sa Davao Oriental, Lunes ng hapon.

Sa datos ng Phivolcs, namataan ang sentro ng lindol sa 24 kilometers Southwest ng Governor Generoso bandang 5:42 ng hapon.

May lalim ang lindol na 24 kilometers at tectonic ang origin.

Wala namang napaulat na pinsala sa mga ari-arian sa lugar.

Wala ring inaasahang aftershocks matapos ang pagyanig.

Read more...