Clint Bondad, ‘give up’ na sa posibleng pagbabalikan nila ni Miss Universe 2018 Catriona Gray

Inihayag ni Filipino-German actor-model na si Clint Bondad na posibleng malabo na silang magkabalikan ng dating nobya na si Miss Universe 2018 Catriona Gray.

Sa kaniyang Instagram, nag-post si Clint ng larawan kasama ang Thai billionaire na si Ann KJN.

Sa nasabing post, isang netizen ang nag-comment at tinanong kay Clint kung mayroon pa bang maliit na tsansa para sa kanila ni Catriona.

Naging matipid ang sagot ni Clint at sinabi lamang nitong “give up.”

Tumagal ng anim na taon ang relasyon nina Clint at ng Pinay beauty queen.

Matatandaang kinumpirma ni Clint ang kanilang paghihiwalay ni Catriona noong buwan ng Pebrero.

Read more...