Antas ng tubig ng ilang dam sa Luzon, nabawasan


Bahagyang nabawasan ang antas ng tubig ng Angat Dam sa nakalipas na 24 oras.

Sa abiso ng PAGASA Hydrology Division, ang antas ng tubig sa Angat Dam ay nasa 188.37 meters bandang 6:00 ng umaga.

Nabawasan din ang water level ng Ipo Dam na ngayon ay nasa 101.03 meters at La Mesa Dam na nasa 77.95 meters.

Maliban dito, nabawasan din ang antas ng tubig ng Ambuklao at Magat Dams.

Samantala, nadagdagan naman ang tubig sa Binga, San Roque, Pantabangan at Caliraya Dam.

Read more...