Sa halip na magbato ng mga puna sa gobyerno, inihayag ng Palasyo ng Malakanyang na dapat maghain ang mga kritiko ng solusyon para tugunan ang problema sa trapiko.
Ayon kay Presidential spokesman Salvador Panelo, magbigay na lamang ng mungkahi ang mga mahilig maghamon para makatulong sa pamahalaan.
Inihalimbawa ni Panelo si Vice President Leni Robredo na isa sa mga kritiko ng gobyerno.
Iginiit ni Panelo na hindi makakatulong ang kritisismo para maresolba ang problema sa trapiko.
Matatandaang nanindigan si Panelo na walang mass transport crisis sa bansa.
Kasunod nito, iginiit ni Robredo na dapat umanong tanggapin na malaki ang problema sa transport system sa bansa para aksyunan ang problema.
MOST READ
LATEST STORIES