Inihayag ni Senate Minority Leader Franklin Drilon na dapat magdoble-kayod ang susunod na itatalagang hepe ng Philippine National Police (PNP).
Ito ay makaraang magbitiw sa pwesto si PNP chief General Oscar Albayalde.
Sa inilabas na pahayag, sinabi ni Drilon na dapat magdoble-kayod ang susunod na PNP chief para muling maibalik ang kredibilidad ng pambansang pulisya at kampanya kontra sa ilegal na droga.
Maliban sa susunod na PNP chief, sinabi rin ni Drilon na dapat ding doblehin ang pagtatrabaho ng mga opisyal ng PNP sa kani-kanilang tungkulin.
Nadawit si Albayalde sa maanomalyang anti-drug operation sa Mexico, Pampanga noong 2013 kung saan siya ay Pampanga police regional director pa.
MOST READ
LATEST STORIES