Ilang lugar sa Luzon, uulanin ngayong hapon

Asahang makararanas ng pag-ulan ang ilang lalawigan sa Luzon.

Batay sa thunderstorm advisory ng PAGASA bandang 1:14 ng hapon, iiral ang moderate to heavy rainshowers na may kasamang kidlat at malakas na hangin sa Tarlac, Zambales, Bataan, Pampanga, Quezon, Laguna at Rizal.

Mararamdaman ang pag-ulan sa susunod na dalawang oras.

Dahil dito, pinayuhan ng weather bureau ang mga residente sa mga nabanggit na lugar na maging maingat sa posibleng pagbaha o pagguho ng lupa.

Read more...